"Kung isang matinding kasalanan lang ang pag-utot na may pataw na kamatayan dito sa ating lipunan, marami na sigurong mga nabitay ang walang kasalanan at napagbintangan lamang dahil sa di tuwirang pag-amin ng tunay na salarin."
Hindi ko malaman kung bakit ang pag-utot o ang utot eh isang napakaling isyu sa ating mga Pilipino? Marahil siguro parte na ito ng ating kultura o marahil natural na sa ating mga Pilipino ang palakihin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat pinalalaki. (Ang paggamit ng viagra ay ibang usapan.) Pero normal naman ang pag-utot o ang taong umuutot. Pag ikaw nga ay na-operahan, senyales ng iyong mabilisang paggaling ay ang pag-utot. Hindi ba't nakakaginhawa ang pag-utot? Napakasarap sa pakiramdam. Mapapa-oohlala ka! Napakaraming benepisyo ng pag-utot. Nakakapinsala nga lang ang produktong likha nito - ang utot. At dahil dito, napakalaking isyu sa atin kung sino ang umutot dahil isa siyang demonyo. Napakasama niya. Yan ang tingin nating mga Pilipino sa taong umuutot. Isa siyang diyablo, kriminal, salawahan, tampalasan, isang animal! Para mo nang tinanggalan ng kaluluawa ang mga taong napinsala mo. Kumbaga ang tingin natin sa taong umutot eh makasalanan. Pero sa taong umutot naman, yun ay isang biyaya. Isang kaginhawaan na bigay ng Maylikha. At kung isang kasalanan nga, isang 'mortal sin.' Yan ang 11th commandment. Bawal umutot. Sa English, 'Thou shall not emit poisonous gas to thy neighbor.'
At dahil diyan, siyempre, sino ba naman ang taong gustong matawag na demonyo, animal, o diyablo dahil lamang umutot siya. Nakakahiya diba? Kasi ang baho ng utot mo eh. Nahihiya ka na ikaw 'yon. Dahil sa iyong utot malalaman lahat ang pinakatatago mong baho. Lahat ng iyong itinatago. Ayaw mong ma-OP. Kaya naman halos lahat at hindi naman lahat eh 'in-denial' na sila nga ang umutot. For sure, magtuturo yan ng iba. Kawawa naman ang napagbintangan.
Ang pagtukoy na siguro sa kung sino ang umutot eh ang siyang pinaka-mahirap na trabaho sa buong mundo. Mas mahirap pa kaysa sa pagtukoy kung sino ang may pigsa sa puwet. Ang hirap tukuyin. Ang hirap punteryahin. Lintik na umutot yan! Ayaw umamin!
So paano ba natin malalaman kung sino ang umutot? Hindi ba't malaking tulong ang malaman kung papaano matutukoy kung sino ang umutot. Although wala pa ring kasiguraduhan kung ito nga ay mabisa pero ito na marahil ang may pinakamalapit na sagot sa kababalghang bumabalot sa kung sino ang taong umutot.
UNA, tandaan natin na ang lahat ng utot eh mabaho. Kahit na hindi ganun kabaho, mabaho pa rin yan. Ibang-iba yan kaysa sa natural air. Yan ay isang uri ng hangin na may lason. So kapag magkakasama kayo ng mga kaibigan mo at may naamoy kayong hindi natural, yun ay isang utot at for sure nasa paligid mo lang yung umutot. Kaya naman tignan mo - magmasid ka. Makiramdam ka. Wag ka munang magsasalita. Hayaan mo munang may magturo. At pag may nagturo na, isa o dalawa, sumunod ka na. Magbintang ka na rin. Pero hindi ibig sabihin na kung sino ang unang nagturo eh siya ang salarin. Old school na 'yon. Ngayon, ang taong walang imik at hindi masyadong nakiki-ride, yun ang guilty. PERO kung napansin mo na isa sa mga kasama mo eh hyper sa pagtuturo sa kung sino ang salarin - kumbaga as in, hindi matawaran ang kanyang pagtuturo, for sure siya 'yon. Over defensive kasi.
PANGALAWA, ididipende mo rin sa pagkain na kinain. Halimbawa't nanggaling kayo sa isang kainan ng mga kasama mo, at maya-maya eh may naamoy na kayong kakaiba, i-flashback mo kung sino ang may kakaibang kinain. Take note, 'kakaibang' kinain ah - hindi 'maraming' kinain. Hindi mo masasabing dahil napakarami niyang kinain eh siya na nga ang salarin. Ang taong may pinaka-kakaibang combination ng kinain ang siyang salarin. Gatas-mani, mangga-juice, maasim-matamis, kamote, mani, dairy products, chocolate, yung mga tipong sa tingin mo eh 'pag nakain mo uutot ka. Kung sino ang kasama mong kumain ng ganun, eh siya nga ang suspek! Walang kaduda-duda. Sa amoy pa lang ng utot, amoy manggang hilaw na sinabayan ng pag-inom ng gatas. O kaya naman simpleng gatas. Amoy nabubulok na keso. Tipong ganun. Maamoy mo kasi sa utot kung ano yung kinain niya. Nabubulok nga lang.
PANGATLO, sa pamamagitan ng direksyon ng hangin. Halimbawa't nasa loob kayo ng isang kulob na lugar. Halimbawa sa sasakyan. Let's say sa isang SUV - sa Rav 4 halimbawa. Eh nagkukuwentuhan kayo't biglang napahinto ka't amoy kanal sa loob. Ang weird diba kasi naka-aircon kayo. Sarado ang mga bintana. For sure may umutot. And take note naamoy mo mula gitna papalikod. Eh ang direksyon ng aircon eh papalikod so for sure nasa may unahan ang umutot. Una magbibintangan yan kasi kulob eh. Yung aakalin nilang umutot eh yun ang pagbibintangan at yung hindi naman aakalaing umutot eh hindi pagbibintangan. Unfair diba. So sa harap yun. Pupuwede din naman sa likod manggagaling pero mahihirapan na ring pumunta sa harapan kasi sa direksyon ng aircon eh papalikod. Kung nasa likod man ang umutot eh halos lahat na amoy eh nandun lang. Kung sa gitna naman, eh equally distributed lang. Pero kung sa harap manggagaling, hindi ganun kaamoy sa harap kasi ang sasalo lahat ng amoy eh yung nasa likod lalung-lalo na yung sa may gitna.
PANG-APAT, sa may sasakyan pa rin. O kahit hindi sa may sasakyan. Eh di siyempre nagsimula na kayong mamintang. Pero kung yung isang kasama niyo eh hindi naman pinagbibintangan at biglang nag-react at naging defensive, for sure siya yon.
IKA-LIMA, yung taong sa tingin mo eh hindi salarin o yung hindi mo aakalaing salarin kasi nga kilala mo siyang disente at may breeding tapos tahimik lang din at pa-demure, siya yon - mapa-babae o mapa-lalaki. Walang breeding-breeding pag may umutot. Lahat balahura! No exceptions.
IKA-ANIM, pag may umutot tapos biglang nagturo ang kasama mo kahit hindi nagsasalita nang hindi tumitingin sa itinuro. Siya yon.
IKA-PITO, sa direksyon ng tunog ng utot. Hindi applicable sa silent na utot. Ibang usapan pag walang tunog ang utot. Pakiramdaman mo na lang kung saan sa tingin mo nanggaling yung utot sa pamamagitan ng tunog nung utot.
IKA-WALO, kapag ang isa sa mga kasama mo eh hindi mapakali sa pag-upo at panay ang pag-angat ng puwet o kahit ang isang pisngi ng puwet. For sure, bumubuwelo yon! Pero pakiramdaman mo pa rin. Mamaya bigla kang magturo eh it's how he/she sits lang pala. Sitting manners niya lang siguro yun. Pero once na may naamoy ka nang hindi maganda at paganun-ganun ang upo niya, titigan mo na ng masama.
At siyempre ang PANG-HULI, pag biglang may umutot at yung isa sa mga kasama mo eh biglang napatayo't hawak-hawak ang puwet at dali-daling umalis papuntang banyo. Naku po! Siya nga! Walang patumpik-tumpik. May sabaw!
Tandaan: Walang mapa-babae o mapa-lalaki pag may umutot. Walang bata o matanda. Walang sosyal o mahirap. Walang kinalaman ang third sex. Walang kinalaman ang relihiyon o ang kulay. Walang estado sa lipunan. Kahit presidente ka pa ng Pilipinas, lahat pantay-pantay. Lahat may-say. Lahat puwedeng suspek! Lahat may kasalanan! Utang na loob! Para hindi mahirapan ang bawat isa, UMAMIN KA NA LANG! The best tagline sa pag-amin, "Oops! Sorry. (Then smile with the peace sign sabay beautiful eyes or kindat)."
Kaya naman sa susunod na may umutot eh alam niyo na kung papaano ma-distinguish or ma-identify kung sino ang salarin. At kung mangyari yun, ngumiti ka na lang sabay tingin sa taong suspek mo at sabihing, "Gagu! Sana sa bibig mo na lang inilabas."
*P.S. Feel free to send suggestions, feedbacks, and comments. I'll be updating this kung may ma-discover pa akong techniques.
Photo: Courtesy of Blood Pressure and Health |

Photo: Courtesy of Stroevanka Free Life Style |

No comments:
Post a Comment